Ano ung something similar sa bawat paglakad ko between eng’g and bA? Ang pagiging walking UP information center ko, hehe.
#1 Eng’g to BA:
habang naglalakad sa may tapat ng Law.. tumigil ang isang light blue na honda civic *ata* malapit sakn..
Kuya: Miss, alam mo ba kung san yung Law Library?
Ana (napaisip, *Asan nga ba un?*): Ay, eto po yun Law (sabay turo)
Kuya: *nagbigay ng facial expression na "Oh tapos? Asan un Library?*
Ana: Ah anjan din po ata yung library (stupid answer? Haha.. After half a second) Ah nasa likod po pala un Library ng Law, directly sa likod neto.
Kuya: Ah ok, thank you, thank you. *umalis na*
Ana: *tiningnan kung liliko si Kuya, oo, lumiko, very good*
#2 BA to Eng’gSa may Main Lib, across NEC.
May humintong green na van, di ko napansin kung anong model, hehehe.
Kuya: Miss, san yung Gonzales Hall?
Ana: Gonzales? (*anak ng tokwa, eto nnman tayo sa mga Hall – hall.. Gonzales, alam ko yun eh.. Itong library ba un? )
Buti na lang nagsalita ulit si Kuya.
Kuya: Yung library daw?
Ana: (nabuhayan, haha) Ah, eto po yun oh, *turo sa Main Lib na katabi lang namin* Yan po ang Main Lib, Gonzales Hall.
Kuya: Ah eto ba yun.. Sige sige salamat..
Ana: (tumuloy na sa Eng’g.. nagiisip kung tama nga ba na Gonzales yun.. tama ata)
# 3 Eng’g to BA ulit
Naglakad ulit, as usual. Pagkalagpas ng Main Lib, isang red na Vios ang huminto. Bumaba ang bintana at this time, babae naman.
Miss: Excuse me?
Ana: *humarap ako. At imbis na sumagot ng oo, medyo ngumiti na lang ako. Katuwa/Katawa, ngumiti din siya, haha, the power of smile? Hahaha*
Miss: San yung jfkjdsk – logy?
Ana: Ano po?
Miss: San yung sfklO – logy?
Ana: *confused* Ano po, astrology?
Miss: Hindi, sociology.
Ana: ahhhh.. *haha, asan nga ba un? Naisip ko Palma Hall Annex, hehe, psychology? Baka banda dun din socio*
Ana: ahmmm.. liko po kayo jan.. ah, actually, sa katapat po natin ngayon pero sa kabilang side (ng Acad Oval)
Miss: ah u-uturn ako jan? *tinuro un acad oval*
Ana: Opo, hanapin niyo po un Palma Hall Annex *tama ba? Baka*
Miss: cge salamat.
Ana: (habang naglalakad, tinitingnan kung liliko nga un Vios, okay lumiko, kaya na niya yun)
Kung bumalik kaya ako ng Eng’g, may magtatanong ulit.. hehe..
Pagdating sa BA, pawis na kasi nainitan sa paglalakad. Sabay pasok sa office ni Dr. Yu na aircon, lamig. Perfect, matutuyuan ako ng likod, baka magkasakit nnman ako neto. Buti na lang, andun si Ate Isay, my friend from church at si Em, former co-math major, kaya medyo comfortable ako at ndi feeling loner habang naghihintay so Answered prayer # 3.
Nang kinausap ko na si sir Yu, grabe, ang bait! Yun ang Answered prayer # 4. Super bait. Alam mong pinapakinggan ka at ndi ka minamadali na mag-explain. Ndi tulad sa **** *****, hehe. Inexplain ko pangangailangan namin for Acctg1. Binuksan niya sa computer niya yung sections sa crs. At pareho kami nagulat. Ang dami pang slots!
Sir: Oh, 40 slots, 15 pa lang enlisted. Oh ilan pa pwede dun?
Ana: Ah, 35, ay, 25 pa sir *mentally naisip, 36 kaming nangagailangan*
Sir: *parang nabasa utak ko* Oh, isang section pa lang yun. Magbukas pa tayo nung isa. Oh, 35 slots, wala pang enlisted.
Ana: Eh sir, bat sa crs, sarado na? As in, closed na po nakalagay, ndi na talaga pwede mag-enlist,
Sir: talaga? eh bakit dito, bukas na bukas pa *mukhang nagtataka din si sir, ndi sarcastic at mukhang naniniwala sa student, di tulad ng iba, lam mo na* Sige, tawagan ko si Boncodin kung tatanggapin niya kayo *kasi NCPAG students ang under sa kanya, sabay kuha ng cellphone niya*
Kaya lang may embarrasing moment ako, hehe
Sir: Teka, kilala mo yang si Boncodin?
Ana: *lost* Po? ndi po.
Sir: Yan ang dati nating department head *o secretary ba term niya? limot ko na* para sa Budget!
Ana: *pahiya, hehe, saka lang naisip na kaya pala familiar un name*
Ana: Ah oo nga, kaya po pala familiar un apilido
*whatever Ana, hindi naman ako clueless about sa government, pero eto pa nasaktong tanong sakn*
Sir: oo! bigatin yan!
Sir: Anyway, eto pwede mo gawin. Punta ka sa dept ninyo, tanungin mo kung papayagan kayong sa AIT or NCPAG kumuha ng Acctg1. Pag pwede, punta ka sa NCPAG, dun ka magtanong kung pano kayo makakapasok sa Acctg1 nila.
Sir: pag nagkaproblema, o, eto number ko, may scratch ka pa diyan? O eto, 091.......... Tawagan mo ko kung sakali, pero wag mo ikakakalat yang number, pag nagkaproblema lang sa pagkuha ng acctg1 niyo.
Paglabas ko ng office, medyo nagpanic ako. Kaya ayoko asikasuhin toh mag-isa eh! Sino naman kakausapin ko sa NCPAG? Ni ndi pa nga ako nakakatapak dun eh.. Oh well, para san pa ang prayers the night before kung maduduwag din ako ngayon. Eng’g na lang muna.
Pagdating sa Eng’g, nakita ko agad c jem! Answered prayer # 5! Since 06 siya, pwede xa mag-open ng CRS account niya. Pinatingin ko yung Acctg1 kung open na ba yung mga sections.
Tapos nagtext c Paula. Sabi ko tawagan na lang ako, line naman siya, hehehe at madami din ako sasabihin.
Tapos punta ko sa dept para tanungin kung pwede kami Ndi sa BA mag-acctg1 kung ndi sa AIT at NCPAG. Tada! Ndi daw pwede! Ngek ngek.. so.. ndi na ko pupunta sa NCPAG since bawal pala kami dun? Eh punung-puno na yung acctg1 sa BA.. ndi pwede toh!
Balik ako sa BA. Xempre, naglakad nnman.
Nakita ko si Em ulit sa may pagpasok ng BA. Dahil mag-isa lang ako, super atat ako makahanap ng makakausap. Buti na lang super tanong si Em kung bakit andun ulit ako sa college nila, hahaha.
Pagpasok ng office, pila ulit, pero aircon naman. Sige, matutuyo nnman pawis ko, oh well. In connection sa Answered Prayer # 3, andun c Carlo, friend ko from elementary days, hehe, so ayos, may kausap nnman ako.
Pagpasok sa office ni sir…
Ana: Sir.. ako po ulit, yun nagpepetition for acctg1. *paawa look ng konti, haha*
Sir: *todo smile, buti pa siya masaya, hehe* O, ano na nangyari? Okay na?
Ana: Naku sir, sabi po sa department namin, bawal daw po kami na sa AIT at NCPAG kukuha ng Acctg1.
Sir: Naku! Ganun ba?
Ana: Pano po yun sir *paawa look na talaga, haha*
Sir: Eh no choice tayo.. mukhang magbubukas na talaga ko
Ana: *parang baliw, from paawa look to todo smile, haha, pinigil ko naman*
Sir: (kinausap yun nakapila sa likod ko) Teka lang ha, wait lang kayo, asikasuhin ko na muna ito *Wooh! Sa wakas.. may mag-aasikaso na.. *
So ayun, punta kami sa other office ng BA, oo kasama pa tlga ako, haha, nag-ask si sir dun sa parang secretary kung what rooms pa pwede, what time, etc. Nakakakita na ko ng liwanag, haha.
Sir: O ayan, mukhang may room na. So mamaya or bukas sa CRS, tingnan niyo na lang yung bagong section. Online enlistment ulit ang pagkuha bukas.
Balik kami sa office niya.
Ang problem na lang daw ay yung teacher, kung may available sa oras na gusto namin.
Sir: At kung ilang students kayo, pag konti lang, baka iclose na lang namin.
Ana: Sir kailangan ba 100 din?! *since 100 un isang acctg1 class sa BA*
Sir: *natawa* Hindi naman 100.
Ana: Yang 36 sir? Most likely sure na yan.
Sir: Ayan siguro, 36, okay na yan.
Wooh, answered prayer # 6. Sana matuloy! Sana magka-acctg1 na kami…..